VIRAL: Binatilyo, Sinisingil ng P2-Milyon ang Kanyang Amang Naging Pabaya!

Marami talagang kabataan ang hindi nakikilala ang kanilang mga tunay na magulang. Maraming makasariling tao ang gumagawa nito kapalit ng kanilang kasiyahan at takasan ang obligasyon sa buhay.

Maraming ganito sa ating mga Filipino, ang iba dito ay mga OFW. Dahil sa pangungulila sa kanilang pamilya ay nakakagawa sila ng kasalanan sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kung hindi ang nag-abroad ang nagloko ay ang maaring ang naiwang partner sa Pilipinas ang gagawa ng kalokohan na makikipagrelasyon sa iba. Dahil sa mga ganitong pangyayari, maraming anak ang nawawalan agad ng magulang sa murang edad.

Ganito ang nangyari sa binatilyong si Ryan Gaffud na lumapit kay Raffy Tulfo para humingi ng tulong.

16 Taong Hindi Nagpakita

Ayon kay Ryan, labing anim na taon raw siyang iniwan ng kanyang ama sa kanyang ina. Wala umano siyang natanggap na suporta mula sa kanyang ama.

Napag-alaman niya na nangibang bansa noon ang kanyang ama noong naghiwalay ang kanyang mga magulang. Dahil dito, nakapangasawa ng iba ang kanyang ama ng iba at hindi na sila inuwian ng kanyang ama.

Raffy Tulfo, Nagulat!

Si idol Raffy Tulfo ay nagulat sa mga kahilingan ni Ryan sa kanyang ama.

Noong una, sinabi lang ni Ryan na gusto niyang makita ang kanyang ama at magbibigay lang ito ng sustento sa kanya pero makalipas ang ilang minuto at noong makausap nito ang kanyang ama sa phone sinabi nalang nito na gusto niya bigyan siya ng 2 Milyon pesos ng kanyang amang napag-alamang magsasaka nalang ngayon.

Dito na nagulat si Tulfo at ito ang kanyang paalala kay Ryan, “Ang pagpunta mo pala dito ay pera.. Ayaw ko din kasing, parang may tunong blackmail.. na kapag hindi siya nagbigay ng pera, magdidimanda ka!”

Si Tatay ay Nagtago?

Nagulat din ang kanyang ama sa sinabi ng kanyang anak. Ayon kay tatay, pagsisikapan niya nalang umanong pagpapaaralin ang kanyang anak sa kanilang lugar. Sagot naman ni Ryan, kaya naman raw siya pagpapaaralin ng kanyang ina.

Sa huli, pumayag si tatay sa kagustuhan ni Raffy Tulfo na magkita sila ng kanyang anak subalit makalipas ang ilang araw, hindi na ito ma-contact.

Panoorin niyo po ang Video kabayan at kayo na bahala manghusga.

Ito naman ang nasabi ng ilang kababayan natin sa paniningil ni Ryan ng malaking pera sa kanyang ama. Maraming Netizen nagalit sa binatilyo, ang ilan sa kanila ay namumukhaang pera ang binatilyong ito at walang awa sa kanyang ama na magsasaka lamang.

Sana ay nagpasalamat nalang ito at nakita niya ang kanyang tunay na ama.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think